Pilipinas
Ano
nga ba ng mga maipagmamalaki sa bansang Pilipinas ? Bakit nga ba palagi
nalang ito dinarayo ng mga dayuhan ? Ano nga ba ang mayroon sa bansang
Pilipinas ? Ito ang aking blogspot na tumatalakay tungkol sa bansang
Pilipinas.
Ang
Pilipinas ay binubuo ng 1,700 na pulo mula sa iba't-ibang rehiyon ,ang
Pilipinas ay sumusukat ng 1,851 kilometrong haba mula hilaga patungong
timog at 1,707 kilometrong haba mula kanluran patungong silangan.
Maraming
mga maipagmamalaki dito sa ating bansa ,hindi lamang mga pagkain,bagay o
lugar kundi pati mga taong nagpatunay na ang mga Pilipino ay
maipagmamalaki saan mang panig ng mundo.
PILIPINAS !!! :D :D :D
Huwebes, Enero 17, 2013
Masarap na Pagkaing dito lang Matatagpuan sa Pilipinas :D :D :D
Pakbet
Dito lang matatagpuan ang pagkaing ito na "PAKBET" . Ang pakbet ay ang pinaghalo-halong gulay gaya ng talong,sitaw,kalabasa at marami pang iba. Ang pakbet ay MASUSTANSIYA dahil sa mga sahog nito na gulay,pwede rin itong haluan ng karne upang mas lalong sumarap. Ang pakbet masarap,kaya't atin na itong tikman .
Miyerkules, Enero 16, 2013
Makasaysayang Pook ng Pilipinas :D :D :D
Rizal Shrine
Ang Rizal Shrine ay isa sa mga makakasaysayang pook ng Pilipinas . Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Kawit,Cavite dito sinasabing nanirahan ang bayani nating si Dr.Jose Rizal. Patuloy natin itong PANGALAGAAN upang maabutan pa ito ng
mga susunod pang mga henerasyon.
Puerto Princesa Underground River
Hindi mo na kailangang dumayo pa ng ibang bansa upang makakita ng ganito kagandang lugar dito sa Pilipinas. Ang lugar na ito ay matatagpuan sa Puerto Princesa,Palawan. Hindi naman nakakapagtaka na mapasama ito sa 7 Wonders of the Nature sa buong mundo dahil sa hindi nito mapapantayang kagandahan. Sinasabi na ito ang pinaka mahabang Underground River sa buong mundo.Tiyak na mamamangha kayo sa lugar na ito dahil sa sobrang ganda nito, siguradong makukumpleto ang bakasyon niyo. Dinadayo lagi ito ng mga dayuhan dahil sa hindi nito mapapantayang ganda. Patuloy natin itong PANGALAGAAN.
Magandang Tanawin .! :D :D :D
Iba't iba ang pananaw ng mga tao sa Bulkang Mayon. Ayon sa aking nabasa kaya dinadayo ito ng mga dayuhan ay sa kadahilanan na ito ay nagbibigay sa kanila ng INSPIRASYON. Pero hindi rin maiiwasan na may magalit at mainis sa Bulkan na ito dahil ang Bulkan daw ay nakakaminsala.
Napakaswerte ang ating bansa dahil mayroon tayong tanawin na talaga namang maipagmamalaki saan mang panig na mundo. Atin itong INGATAN AT PAHALAGAHAN.
Bulkang Mayon
Ang ating ipinagmamalaking Bulkang Mayon na matatagpuan sa lalawigan ng Daraga,Albay. Ang bulkan na ito ang ang pinaka aktibong bulkan na matatagpuan dito sa bansang Pilipinas,ito ay may perpektong hugis na gaya ng apa kung kaya't ito naman ay dinarayo at binabalik balikan ng mga turista sila ay nagtitiis at nagpapakapagod masilayan lamang ang kagandahan ng Bulkang Mayon. Iba't iba ang pananaw ng mga tao sa Bulkang Mayon. Ayon sa aking nabasa kaya dinadayo ito ng mga dayuhan ay sa kadahilanan na ito ay nagbibigay sa kanila ng INSPIRASYON. Pero hindi rin maiiwasan na may magalit at mainis sa Bulkan na ito dahil ang Bulkan daw ay nakakaminsala.
Napakaswerte ang ating bansa dahil mayroon tayong tanawin na talaga namang maipagmamalaki saan mang panig na mundo. Atin itong INGATAN AT PAHALAGAHAN.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)